Ang ating munting daigdig ay lubos sa likas yaman. Ang mga yamang ito ang nagbibigay buhay sa atin at sa ating mga lungsod. Mabuti na ito'y libreng inihahandog sa atin ni Inang Kalikasan ngunit tayo naman mga tao... ay pinagsasamantala at ginagahasa ang lupain at karagatan ng napakaliit na planetang ito.
Maganda ang pag-unlad ng ating mga bayan. Humahaba ang buhay ng tao, lalong nagiging masaya ang lahat dahil mas maganda ang nararanasan natin kaysa noong nakaraang isang libong taon.
Sa anino ng kaunlaran ay nakatago ang wasak na mga kagubatan na wala nang buhay. Dati-rati, naririnig mo ang maligayang pag-awit ng mga ibon; nakikita mo ang makukulay na bulaklak ng mga daming halaman... Ngayon, katahimikan, nakakabinging katahimikan ang naririnig mo; kalahating patay na mga puno ang iyong namamasdan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment